2 bata nilunod ng engkanto

PANGASINAN, Philippines – Dalawang batang babae na sina­sabing nakatuwaang lunurin ng engkanto ang lumutang sa karagatang sakop ng Barangay Cayanga sa bayan ng San Fabian, Pangasinan noong Miyerkules ng umaga. Kinilala ni P/Senior Supt. Percival Barba, ang dalawa na sina Louilla Aquino, at Genelin Ayes, kapwa 11-anyos at nakatira sa Barangay Longos at Cayanga. Napag-alamang nagka­yayaan ang dalawang swimmer na maligo sa liblib na dalampasigan kung saan sinasabi ng mga matatanda na pinupugaran ng engkanto dahil sa kakaibang tanawin. Gayon pa man, hindi na lumu­tang ang dalawa na sinasabing biglang naglaho sa ibabaw ng tubig. Makalipas ang apat na oras ay na­tagpuan ang dalawang bangkay ng biktima na lumutang. Myds Supnad

Show comments