3 lungsod, 1 pa sa Mindanao sasailalim sa Comelec
MANILA, Philippines - Dahil sa tensyonadong sitwasyon sa hidwaan sa pulitika kaugnay ng Maguindanao massacre noong Nobyembre 23 irerekomenda ng pulisya sa Commission on Elections (Comelec) na isailalim sa hotspots ang apat pang lugar sa rehiyon ng Mindanao.
Ayon kay PNP deputy chief for operations at Task Force HOPE (Honest Orderly and Peaceful Elections) Commander P/Deputy Director General Jefferson Soriano, irerekomenda ni lang ilagay sa Comelec control ang karagdagan pang apat na lugar sa rehiyon.
Kabilang dito ang Ge neral Santos City, Sultan Kudarat, Cotabato City at Davao City na pawang malapit sa Maguindanao.
Samantala, ang Maguindanao na pinangyarihan ng masaker ay kabilang sa mga lugar na nauna nang inirekomenda ng PNP na ibilang sa areas of immediate concern (AEC) kaugnay ng 2010 national elections.
Kaugnay nito, inihayag ni Soriano na magpupulong ang Joint Security Coordinating Center na pamumunuan ng senior Comelec supervisor upang mailatag ang sapat na seguridad.
Magugunita na hiniling ng PNP sa Comelec na ilagay din sa talaan ng hotspot ang siyam na lugar sa bansa na kinabibilangan ng Masbate, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Nueva Ecija, Basilan, Sulu, Abra, Samar at ang Maguindanao bunga na rin ng mga naitalang karahasang may kinalaman sa pulitika. Joy Cantos
- Latest
- Trending