3 patay sa pamamaril

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang awayan sa koleksyon mula sa mga vendor ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang tatlong sibilyan ng mga armadong kalalakihan kamakalawa sa Barangay Tenga, Laminusa, Siasi, Sulu. Kabilang sa mga napatay ay sina Teteh Ismail, Joepit Ismail at si Barangay Kagawad Salong Malik. Samantala, sugatan naman si Junjun Ismael. Pasakay sa pump boat ang mga biktima nang pagbabarilin. Joy Cantos

Show comments