Disc jockey ginilitan
BULACAN, Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 39-anyos na disc jockey habang nasa kritikal naman kalagayan ang pinsan nito makaraang pagtulungang gulpihin at pagsasaksakin ng limang kalalakihan sa loob ng videoke bar sa Barangay Poblacion sa bayan ang Baliwag, Bulacan kamakalawa ng madaling-araw. Kinilala ang napaslang na si Odilan Marcelo habang nakikipaglaban naman kay kamatayan si Romnick Garcia, kapwa stay-in worker sa Relonie KTV Bar. Pormal naman kinasuhan matapos maaresto ang mga suspek na sina Wilson Beltran, Wilbert Beltran, Wally Beltran, Angelo Arriola, at si Allan Del Rosario. Boy Cruz
- Latest
- Trending















