Bodyguard itinumba

Batangas, Philippines — Ki­na­rit ni kamatayan ang isang body­guard ng mayor matapos tam­ba­ngan ito ng isang sus­­pek habang papa­labas ng sabungan sa ba­yan ng San Pascual kama­kalawa ng ha­pon. Kini­lala ni Chief Ins­pector Renato Mer­cado, hepe ng San Pas­cual police station ang biktimang si Ar­mando Mar­quez, 54, residente ng RR Station, Barangay Cali­canto, Batangas City at close-in bodyguard ni Bauan Mayor Ryann Dolor. 

Ayon sa report, papalabas na ng San Pascual Cockpit Arena si Marquez na siya ring tumatayong manager nito nang pagbabarilin ng suspek na nakilalang si Marlon Gadol ban­dang alas-5:15 ng ha­pon. (Arnel Ozaeta)

Show comments