MANILA, Philippines - Dalawang mangangaso ang dinukot ng mga hinihinalang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front habang nanghuhuli ng baboy-ramo sa kagubatan ng Buldon, Maguindanao kamakalawa. Kinilala ang mga biktima na sina Teddy Capino at isang alyas Noynoy Arsenal, pawang residente ng Sitio Veterans, Barangay Dado, Alamada, Cotabato. Natiyempuhan umano ng MILF rebels ang mga biktima kung saan nagalit ang mga ito sa pagpasok ng mga mangangaso sa kanilang teritoryo. (Joy Cantos)