2 dedo sa pilahan ng traysikel

BULACAN, Philippines — Sinasabing alitan sa pilahan ng traysikel ang naging ugat kaya napatay sa saksak ang dalawang drayber kamakalawa sa Brgy. Minuyan sa San Jose Del Monte City, Bulacan. Apat na saksak sa katawan ang tuma­pos sa buhay nina Noriel Flores, at Ronald Paculda ng Road 12. Tugis na­man ng pulisya ang suspek na si Eric Sumido. Lu­militaw sa police report, nagtalo ang tatlo sa paki­kipag­pilahan ng traysikel sa terminal kung saan nagka­pikunan at humantong sa pamamaslang. Boy Cruz

Show comments