2 kawatan ng motorsiklo, tiklo

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Dalawang tinedyer na sinasabing sangkot sa pagnanakaw ng motorsiklo sa bahagi ng Kidapawan City ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa bisinidad ng Barangay Poblacion sa bayan ng Bansalan, Davao del Sur. Pormal naman kinasuhan ang mga suspek na sina Cyris Kier Bores at Jose Niccolo Mansueto, kapwa nakatira sa bayan ng Makilala, North Cotabato. Sa ulat ni P/Inspector Benjamin Mauricio, ang mga suspek ay itinuturong tumangay ng motorsiklo ni Bryan Jasper, Jay Moreno ng Daang Maharlika, Kidapawan City. Nabatid na tinangkang ibenta ng mga suspek ang motorsiklo sa may-ari ng tindahan kung saan hindi naman inakala ng dalawa na pulis ang napagtanungan kaya kalaboso ang kanilang binagsakan. Malu Manar

Show comments