Aleman hulog sa drainage, dedo

MANILA, Philippines - Isang Aleman na sinasabing lango sa alak ang iniulat na nasawi makaraang nahulog sa drainage ng beach resort kamakalawa ng madaling-araw sa Purok Lapu-Lapu, Ba­rangay Dawis sa Digos City, Davao del Sur. Nakilala ang bik­tima base sa nakuhang identification card at rekord sa re­sort na si Klauz Thomas Schonath Urbanetz. Sa police re­port na nakarating sa Camp Crame, huling nakitang buhay ang biktima noong Linggo ng hatinggabi na pasuray-suray na naglalakad matapos makipag-inuman sa kaniyang kaibigang si Michael Plabusch. Napag-alamang may ilang araw na pinaghahanap ang biktima kung saan natagpuan naman ng caretaker na si Arlyn Curayag. Joy Cantos

Show comments