Tatapusin na ng adidas Group ang relasyong kalakal sa SS Ventures International Inc. sa December 2009
MANILA, Philippines - Kinumpirma ngayon ng adidas ang desisyon na tapusin ang kanilang pangkalakalang relasyon sa SS Ventures International Inc, ang gumagawa ng vulcanized na produktong sapatos para sa adidas. Ang pabrika ay nasa Mariveles Economic Zone, Mariveles, Bataan at mayroong humigit kumulang na 447 permanenteng empleyado at 241 kontrakwal na manggagawa sa kasalukuyan.
Ayon sa kanilang napagkasunduhan ng may-ari ng Pabrika noong unang buwan ng Junyo 2009, ang terminasyon ay magaganap sa 31 Disyembre 2009.
Ang desisyon sa pagtatapos ay dahil sa malaking pagbaba ng demand sa market ng produktong ginagawa ng pabrika. Sa kabila ng ganitong kundisyon sa market, ang adidas group ay patuloy pa ring nagbibigay ng mga gawa or Production Orders sa Pabrika para sa maayos at naayon sa phase-out period, at para makatulong sa patuloy na pagkakaroon ng trabaho ng mga manggagawa. Ngunit sa kasalukuyan, napag-alaman na hindi na kaya ng May-Ari ng Pabrika na makakuha ng pagkukunan para matustusan ang operasyon matapos ang 30 November 2009.
“Ikinalulungkot naming gawin ang ganitong aksyon, na sanhi na rin ng kasalukuyang epekto ng economic krisis. Nakarating sa aming kaalaman ang ilang mga maling paratang na lumabas sa media hinggil dito sa terminasyon at kami ay umaasa na sa ganitong paraan ay aming maipabatid ang tunay na kalagayan at posisyon namin ukol dito” sabi ni Horst Stapt, Head of Footwear Sourcing para sa adidas Group.
“Sa kasalukuyan panahon at dahil na rin sa nalalapit na Pasko, ang higit naming pinapahalagahan ay ang kalagayan ng mga manggagawa ng SS Ventures pati na rin ang kanilang mga pamilya. Ipagpapatuloy namin ang pakikipag-ugnayan sa Pabrika at patuloy na tutulong sa maabot ng aming makakaya.” dagdag pa ni Mr. Stapf.
- Latest
- Trending