PMA Class '76 nag-donate ng 13 computer

PANGASINAN, Philippines — Bilang bahagi ng pagtulong sa ko­munidad, ang 1976 Magilas Class ng Philippine Military Academy (PMA) sa pangunguna ni (ret.) P/Director Leopoldo Bataoil ay nag-donate ng 13 yunit ng computer sa ilang pa­aralan sa bayan ng Laoac, Pangasinan kamakalawa. Binigyan naman ng testimonial parade si P/Director Silverio Alarcio ng PMA Class ’76 na ginanap sa Baguio City kama­kalawa ng umaga kung saan ang bayan ng Laoac ang kanyang sinilangan.

Pina­ngu­nahan din nina Alarcio at Bataoil ang groundbreaking para sa pagtatayo ng one-classroom Magilas building sa Cabilaoan Elementary School kung saan nagtapos bilang valedictorian si Alarcio.

Kabilang sa mga paaralang tumanggap ng yunit ng computer ay ang Laoac National High School, Cabilaoan Agro-Industrial, Don Rufino Tabayoyong Central School, mga elementary school sa Botigue, Cabu-Cala, Calmay, CASTUSU, Inmanduyan, Lebueg, Nanbagatan, Panaga, Quevedo-Anisca, at ang Turko Elementary School. Cesar Ramirez

Show comments