2 parak sugatan sa motorsiklo

MANILA, Philippines - Dahil sa pag-iwas sa tumatawid na mga gan­sa, sugatan sina PO3 Gil Joel Tardaguela at SPO2 Reynaldo Tumalay­tay matapos na sumemplang ang sinasakyang motor­siklo ng mga ito dakong alas-9:05 ng umaga ka­ma­­kalawa sa Brgy Pa­kiad, Oton, Iloilo. Ang mga biktima ay patungo sa Iloilo Police Provincial Police Office para du­ma­lo sa kumperensya nang mang­yari ang in­sidente. Iniim­bes­tigahan pa rin ito ng mga otoridad. Joy Cantos

Show comments