^

Probinsiya

P10 milyon hingi ng kidnappers ng 3 Chinese

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Halagang P10 milyon ang ransom na hinihingi ng Abu Sayyaf para sa pag­papalaya sa tatlong negos­yanteng Intsik at isang guwardiya na unang dinu­kot sa Maluso, Basilan noong November 10.

Ipinarating ng Abu Say­yaf sa pamamagitan ng isang impormante ang kanilang hinihinging halaga sa may-ari ng Hi-Tech Plywood Factory na si George Tan ng makipagpulong ito sa Crisis Management Committee.

Sa ngayon ay bihag pa rin ng grupo ni Abu Sayyaf Commander Furuji Indama ang mga biktimang sina Jerry Tan, Michael Tan, Os­car Tan; pawang ne­gos­yante at ang security guard na si Mark Singson, mata­pos na dukutin sa tangga­pan ng Hi-Tech Woodcraft, Inc., sa Brgy. Town Site, Maluso, Basilan.

Unang nagbigay ng go signal ang Crisis Committee sa mga otoridad na tugisin ang mga kidnappers at ligtas na ma-rescue ang mga biktima.

Kasabay nito, pinag­harap na rin ng kasong kidnapping with serious illegal detention ang 28 miyembro ng Abu Sayyaf na sangkot sa pagdukot kay Irish Priest Fr. Michael Sinnott.

vuukle comment

ABU SAY

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDER FURUJI INDAMA

BASILAN

CRISIS COMMITTEE

CRISIS MANAGEMENT COMMITTEE

GEORGE TAN

HI-TECH PLYWOOD FACTORY

IRISH PRIEST FR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with