Rebel-returnee nilikida

BATAAN  , Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 48-anyos na rebel-returnee sa naganap na karahasan sa kahabaan ng McArthur Highway sa Barangay Lalawigan sa bayan ng Samal, Bataan kahapon ng umaga. Dalawang bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Ramon “Jun” Lingal Jr. y. Razon ng Tabing Ilog, Samal.

Lumilitaw na nasiraan ng motorsiklo ang biktima kaya nito inihinto para gawin kung saan nilapitan at niratrat ng dalawang ‘di-pa kilalang lalaki, ayon kay PO1 Nino Cabug.

Napag-alamang sumuko sa pamahalaan ang biktima na sinasabing NPA noong 1997 at nakatakdang magtungo sa Amerika kasama ang kanyang pamilya dahil naaprubahan kamakawala ang kanilang petisyon ng kanyang mga magulang. Jonie Capalaran

Show comments