2 tiklo sa Comelec officer's slay

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng pulisya ang dalawang lalaki na sinasabing may kaugnayan sa pagpaslang sa isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa Isabela kahapon.

Ayon kay P/Chief Supt Roberto Damian, Region 2 police director, na sumasailalim na tactical interrogation ang mga suspek na sina Harry Taccad ng Tumauini, Isabela, at Gerry Calanday ng Nueusa East Roxas na kapwa miyembro ng. Magsanoc Group.

Samantala, patuloy naman tinutugis ng pulisya ang suspek na sina Lito Magdangal, alyas Bunny ng Kalinga; Leonardo Madamba, may-ari ng sasakyan na getaway at isang alyas Eric na sinasabing may kinalaman sa pamamaslang kay Atty. Michael Valdez, Comelec officer ng Isabela.

Si Valdez na sinasabing utol ng election officer ng Bauang, La Union na si Felimnon Asperin Jr.ay binaril at napatay sa bisinidad ng Country State Inn sa Brgy. 4, Tumauini noong Enero 2006. Dennis Carcamo

Show comments