Pedicab inararo ng truck; 1 dedo, 11 sugatan

MANILA, Philippines - Isa katao ang nasawi habang 11 pa ang sugatang isinugod sa pagamutan makaraang araruhin ng isang rumaragasang dump truck ang kasalubong nitong pedicab na puno ng pasahero kahapon ng umaga sa Matina Pangi, Davao City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Editha Panican, 45-anyos, residente ng Catalunan Grande, Davao City.

Ang ginang ay nagtamo ng matinding bali at mga sugat sa katawan na nabigo nang maisalba sa Davao Medical Cen­ ter.

Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan ang mga sugatang sina Jonathan Dagu-an, 8; Regine Lumaad, 9; Alvin Pullano, 27; Glen Dano, 14; Jason Gozon, 11; Andrew Joshua, 10; Angeli Ferena Vega, 11; Nonita Agravante, 40; Raymund Valencia, 20; Raul Alima, 42; at isang Aurelio Allawan, 48 anyos. (Joy Cantos)

Show comments