^

Probinsiya

Matador inatado ng amo dahil sa kantiyaw

-

KIDAPAWAN CITY , Philippines  — Da­hil lang sa masakit na kantiyaw, pinagsasaksak ng matador ang kapwa niya matador habang nagkakatay sila ng baka sa loob ng isang slaughter house sa Barangay Mag­say­say sa lun­sod na ito kaha­pon ng mada­ling araw.

Sa ospital na binawian ng buhay ang 27 taong gulang na matador na si Arjay Mapigued na nagtamo ng matinding sugat sa sikmura.

Ayon sa mga doktor, hindi na nila kayang isalba pa ang buhay ni Mapigued dahil ang tinamaan ay ang mismo nitong atay.

Ayon sa report, nagka­kan­tiya­wan lang habang nag­ka­katay ng baka sa slaughter house sina Mapigued at ang amo niya’ng si Rey ‘Engkoy’ San­chez, 47, nang bigla na la­mang naghuramentado ang huli. Ang mismong hawak ni­yang malaking kutsilyo ang ginamit ni Sanchez para ‘kata­yin’ ang mismo niya’ng tao.   

Nagtangkang manlaban si Mapigued pero dahil sa tindi ng saksak, bumagsak rin ito sa sahig.   Hinabol ng mga kapwa matador ang papatakas na si Sanchez. Habang papalabas ng slaughter house, nadulas si Sanchez at nasaksak rin siya ng sarili niya’ng kutsilyo. Ga­yunman, ’di ito napuruhan at isinugod sa North Cotabato Provincial Hospital sa Ba­rangay Amas ng lungsod, sa­mantalang si Mapigued ay namatay habang inooperahan sa Kidapawan Doctors Hospital sa may national highway ng lungsod. 

Ayon kay Esterlita, misis ni Mapigued, hustisya ang nais niya’ng makamit sa kamata­yan ng mister. (Malu Cadelina Manar)

vuukle comment

ARJAY MAPIGUED

AYON

BARANGAY MAG

KIDAPAWAN DOCTORS HOSPITAL

MALU CADELINA MANAR

MAPIGUED

NORTH COTABATO PROVINCIAL HOSPITAL

SANCHEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with