Habambuhay sa 2 killer ng kolehiyala

LAGUNA  , Philippines – Dalawa sa pitong akusado sa pagpa­tay sa 22-anyos na estud­yante ng Philippine Wo­men’s University noong October 2004 ang hina­tu­lan ng korte ng ha­­bam­buhay na pagkabi­lang­go kamakalawa ng uma­ga.

Sa 39-pahinang desis­yon ni Judge Marino E. Rubia ng Regional Trial Court Fourth Judicial Region Branch 24, guilty beyond reasonable doubt sina Gilbert Ronquillo at Aldrin Bagos.

Inatasan din sina Ron­quillo at Bagos na mag­ba­yad sa pamilya ng biktima ng P50,000 para sa ka­lung­kutan at paghihirap na idinulot nito, P546,564.94 para sa actual damages; P200,000 para sa moral damages at P100,000 para sa exemplary damages.

Pinawalang sala naman ng korte sina Bienvenido Nicdao, Jr., Pedro Pablo Jr., Ruben Seyritan, Maria Ce­cilia Mercado at Jansen Malitic dahil sa kakulangan ng ebidensya sa kasong murder.

Sina Ronquillo at Bagos ay itinurong responsable sa pagpatay kay Jaimarie Re­yes, isang fourth year Hotel and Restaurant Management student noong October 10, 2004 sa Sta. Rosa City, Laguna.

Ang bangkay ni Reyes ay natagpuan sa mada­mong bahagi ng South Luzon Expressway sa Sta. Rosa, Laguna noong October 9 na pawang may mga tama ng bala ng baril at mga saksak.

Napag-alamang hinarang nina Ronquillo, Bagos, Nic­dao at Pablo ang sasakyan ni Jaimarie sa may Los Ba­ños bago pinagbabaril ni Ronquillo ang dalagang bumigo sa kanyang pag-ibig.

Naaresto rin ang mga suspek matapos maaktu­hang Tsina-chop chop ang kotse ni Reyes sa Padre Garcia, Ba­tangas. Arnell Ozaeta

Show comments