CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang kumander ng mga rebeldeng New People’s Army sa isinagawang operasyon kahapon ng madaling-araw sa bisinidad ng Barangay Nabunton, Ligao City, Albay. Sumasailalim na sa tactical interrogation si Miguel “Mike” Pedrjeta ng Sandatahan Platon Pampropaganda ng Kilusang Larangan 77. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Angeles S. Vasquez ng 5th Judicial Regional Trial Court Branch 13 sa kasong murder, sinalakay ng pulisya ang pansamantalang pinagkukutaan ni Pedrieta na sinasabing rest house ng dating vice mayor ng Ligao City na si Steve Bichara. Ayon kay P/Supt. Erick Magalona, ang suspek ay isinasangkot sa pagpatay sa dating hepe ng Civil Security Unit na si Expedito Ribaya noong Dec. 12, 2007 sa Brgy. Nasisi. Ed Casulla