LAOAG CITY, Ilocos Norte, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang retiradong opisyal ng pulisya makaraang pagbabarilin ng dalawang nakasakay sa motorsiklo noong Miyerkules ng gabi sa Barangay Cali sa bayan ng Dingras, Ilocos Norte.
Si Raymundo Castillo Jr. na dati ring barangay chairman ay binaril ng malapitan ng motorcycle-riding gunmen sa harap ng car repair shop ng kanyang anak.
Napag-alamang nakaupo ang biktima sa loob ng kanyang sasakyang nakaparada nang lapitan at ratratin sa leeg at dibdib.
Ayon kay P/Senior Supt. Benjamin Lusad, Ilocos Norte police director may mga palatandaan na sa mga suspek base sa impormasyon nakalap nila sa mga nakasaksi subalit tumangging iditalye ang pagkikilanlan.
Nabatid pa sa ulat na si Castillo Jr. ay sinasabing close ally ni Dingras Mayor Marineth Gamboa na kalaban sa politika ni Ilocos Norte Governor Michael Keon.
May teorya ang pulisya na may kaugnayan ang pamamaslang sa pagiging close ally ng biktima sa nabanggit na alkalde. Artemio Dumlao