^

Probinsiya

Mag-utol dedo sa corned beef

-

BATANGAS, Philippines – Kumpir­madong namatay ang mag­kapatid na mangi­ngisda matapos malason sa kinaing delatang corned beef habang nangingisda sa karagatan ng Mam­burao, Occidental Mindoro kamakalawa.

Sa naantalang ulat ni P/Supt. Manuel Abrujena, hepe ng San Juan PNP, nakilala ang mag-utol na sina Dennis Alana, 34  at Joel Alana, 22, kapwa re­sidente ng Barangay Nag­saulay, San Juan, Ba­tangas.

Ayon sa ulat, lumaot ang magkapatid na Alana sa Mamburao, Occidental Mindoro noong Biyernes (Nov. 6), bitbit ang kanilang baong pananghalian ka­bilang na ang delatang corned beef.

Pagkatapos mangisda, nakaramdam na sila ng sa­kit sa tiyan, pagkahilo, pag­tatae at pagsusuka ay na­matay si Dennis sa Mam­burao habang si Joel na­man ay naisugod pa sa Batangas Regional Hospital kung saan namatay ma­tapos ang 3-araw, ayon kay Chairman Henry Robledo ng Barangay Nagsaulay.

“Bine-verify pa namin kung ano talaga ang na­ging dahilan ng kanilang pagka­matay kasi may nag­sasa­bing nakakain sila ng isdang may lason o na­kainom ng kontaminadong tubig o yung baon nilang de-latang corned beef,” dagdag pa ni Robledo. Arnell Ozaeta

ARNELL OZAETA

BARANGAY NAG

BARANGAY NAGSAULAY

BATANGAS REGIONAL HOSPITAL

CHAIRMAN HENRY ROBLEDO

DENNIS ALANA

JOEL ALANA

OCCIDENTAL MINDORO

SAN JUAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with