^

Probinsiya

Moratorium sa mga subd. developer

-

RIZAL, Philippines – Upang hindi na maulit at maiwasan ang mala­wa­kang pagbaha na sinasabing nagpalubog sa may 70 porsiyento ng probinsya, nagpalabas ng moratorium ang Sangguniang Pan­­lalawigan ng Rizal kaugnay sa suspension ng mga subdivision development. Sa ilalim ng resolution # 244 s. 2009, na inaprobahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Rizal ay pinapa­yuhan ang mga local na pamahalaan na hikayating ipatupad ang pagpapatigil sa pagbibigay ng development permits sa kani­lang nasasakupang munisipalidad. Ang mga bagong subdibisyon ay nagresulta sa pagkawala ng punungkahoy na nagpababa sa kapasidad ng mga watershed na tumanggap ng malaking volume ng tubig. “Umaasa kami na ang mga lokal na pama­halaan ay ikukunsidera ang aksyong ito ng Sangguniang Pan­lalawigan at kumilos nang nagkakaisa para sa kabutihan ng ating mga kababayan na hanggang sa ngayon ay nasa proseso pa rin ng recovery dulot ng kalamidad ng bagyong Ondoy,” paliwanag ni Rizal Governor Jun Ynares III.

ONDOY

RIZAL

RIZAL GOVERNOR JUN YNARES

SANGGUNIANG

SANGGUNIANG PAN

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

SHY

UMAASA

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with