Traffic aide itinumba

BULACAN, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 63-anyos na traffic aide ng mga ‘di-pa kilalang kala­lakihan kamakalawa ng gabi sa Barangay Bagbaguin sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan. Napuruhan sa likurang bahagi ng katawan si Eustaquio Cruz ng Balutan Street, Sitio Gulod sa nabanggit na barangay. Lumilitaw sa police report na papasok ng gate ng kanilang bahay ang biktima nang lapi­tan at ratratin. Napag-alamang nasaksihan pa ng dalawang anak ang pamamslang sa kanilang ama. Kaagad naman tumakas ang gunmen sakay ng motorsiklo. Boy Cruz

Show comments