^

Probinsiya

P13M proyekto ng AFP nasa Gumaca

-

GUMACA, Quezon, Philippines – Minsan pang pinatunayan ng Armed Forces of the Philippines na kaagapay sila ng mamamayan hindi lamang sa pagpapanatili ng kaayusan sa komunidad manapay sa pagsasagawa ng mga proyektong pangkaunlaran. Kamakalawa, ay pormal na itinurn-over ng 76th Infantry Battalion ng Philippine  Army at 51st Engineering Brigade sa provincial government ng Quezon ang may P13 milyong proyekto na kanilang isinagawa sa siyam na barangay sa bayan ng Gumaca. Nakapaloob sa proyektong Kalayaan Barangay Program Kalahi Infrastructure ang mga natapos na farm-to-market road at paglalagay ng mga deep well. Sinimulang isagawa ang mga proyekto noong 2008 na ang pangunahing  layunin ay ipagkaloob sa malalayong barangay ng Gumaca ang serbisyo ng AFP. Personal na iniabot nina B/Gen. Felizardo Simoy, commander ng 51st Engineering Brigade at Southern Luzon Commander Lt.Gen. Roland Detabali, ang symbolic key at equipment kay Governor Raffy P. Nantes na sinaksihan ni Mely Jabola, presidential assistant for Calabarzon. Tony Sandoval

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ENGINEERING BRIGADE

FELIZARDO SIMOY

GOVERNOR RAFFY P

GUMACA

INFANTRY BATTALION

KALAHI INFRASTRUCTURE

KALAYAAN BARANGAY PROGRAM

MELY JABOLA

QUEZON

ROLAND DETABALI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with