Simbahan pinasabog

MANILA, Philippines - Niyanig ng malakas na pagsabog ang abandonadong simbahan kahapon ng madaling-araw sa Barangay Talon-Talon sa Zamboanga City kahapon ng madaling araw. Sa report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente bandang alauna ng madaling- araw sa loob ng lumang compound ng San Isidro Labrador Church kung saan nagulantang ang mga residente. Wala na­mang nasugatan sa insidente bagaman nasira ang bakal na bakod ng simbahan. Kaagad naman nagtungo ang mga awtoridad sa nabanggit na lugar upang im­bes­tigahan kung saan narekober ang liham na naka-address kay Zamboanga City Mayor Celso Lobregat. Tu­manggi naman ang mga otoridad na tukuyin ang nilalaman ng nasabing liham na hawak ngayon ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives. Joy Cantos

Show comments