P.8-milyong marijuana nasabat

LA TRINIDAD, Bengue , Philippines  – Tinatayang aabot sa P.8 milyong marijuana bricks na sinasabing dadalhin sa Manila ang nasabat ng mga awtoridad noong Huwebes sa checkpoint sa Locnog Highway sa bayan ng Tabuk, Kalinga. Ayon kay P/Chief Supt. Orlando Pestano, ang kontrabando na naka-address sa pangalang Maria Nessie Espenie ng Sampaloc, Manila ay ipinadala ng ‘di-pa kilalang lalaki via Victory Liner Bus Line. Napag-alamang may nagbigay ng impormasyon sa pulisya kaugnay sa nasabing kontrabando kaya pinara sa checkpoint ang bus at natagpuan sa compartment ang dalawang kahon na naglalaman ng tatlong bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang na 33,000 gramo. Artemio Dumlao

Show comments