^

Probinsiya

50 residente sa Subic binantaan

-

ZAMBALES , Philippines  – Nagpa­ha­yag ng pagkabahala ang may 50 residente ng Mag­dalena Homes Subdivision sa bayan ng Subic, Zam­bales makaraang maka­tanggap ng mga pagba­banta sa pamamagitan ng text messages mula nang magsagawa ang mga ito ng protesta laban sa sina­sabing opisyal ng bogus homeowners association. 

Sa pahayag ni Jaime Castillo, pangulo ng Mag­da­lena Homes Homeow­ners’ Association sa Ba­rangay Sto. Tomas na ang pinaka­huling pagbabanta sa kani­lang seguridad ay nang bugbugin ang dalawa nilang miyembro at wasa­kin ang gamit na video camera ng mga tauhan ng management habang na­gaganap ang protest rally sa harapan ng gate ng subdivision.

Napag-alaman na ang kaguluhan laban sa mga homeowner ay nagsimula noong April 2008 matapos mag-protesta ang mga residente sa pagtatalaga ng management sa mga opisyal ng asosasyon na sinasabing bogus.

Nanawagan ang mga residente ng nabanggit na subdibisyon sa mga kina­uukulang ahensya ng local na pamahalaan para ma­pigil ang nakaambang tra­hedya. Randy Datu at Alex Galang

ALEX GALANG

HOMES HOMEOW

HOMES SUBDIVISION

JAIME CASTILLO

NAGPA

NANAWAGAN

NAPAG

RANDY DATU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with