10-taong kulong sa obrerong nag-amok

BULACAN, Philippines — Sampung taong pagkabilanggo ang ipinataw ng mababang korte laban sa isang obrero na nag-amok at naghagis ng granada sa mga nagres­pondeng pulis sa kagulu­hang naganap noong Nob­yembre 8, 2005 sa Sitio Dike, Ba­rangay Bañga 2nd sa bayan ng Plaridel, Bu­lacan.

 Bukod sa parusang pagkabilanggo na inihatol ni Judge Herminia Pasamba ng Malolos City Regional Trial Branch 81, ay pinag­babayad din ng P20,000 danyos per­wisyo ang akusa­dong si Jonel “Dodong” Lianza, 29, tubong Ormoc City.

Sa rekord ng korte, nag-amok ang akusado sa ka­nilang lugar kung saan nag­hagis ito ng granada sa mga rumespondeng pulis subalit hindi pumutok.

Hindi naman pinaniwa­laan ng korte ang alibi ng akusado bagkus ay binig­yang tim­bang ang mga isinumiteng ebiden­sya na nagpapatunay na nag-amok at naghagis ng granada si Lianza. Boy Cruz

Show comments