10-taong kulong sa obrerong nag-amok
BULACAN, Philippines — Sampung taong pagkabilanggo ang ipinataw ng mababang korte laban sa isang obrero na nag-amok at naghagis ng granada sa mga nagrespondeng pulis sa kaguluhang naganap noong Nobyembre 8, 2005 sa Sitio Dike, Barangay Bañga 2nd sa bayan ng Plaridel, Bulacan.
Bukod sa parusang pagkabilanggo na inihatol ni Judge Herminia Pasamba ng Malolos City Regional Trial Branch 81, ay pinagbabayad din ng P20,000 danyos perwisyo ang akusadong si Jonel “Dodong” Lianza, 29, tubong Ormoc City.
Sa rekord ng korte, nag-amok ang akusado sa kanilang lugar kung saan naghagis ito ng granada sa mga rumespondeng pulis subalit hindi pumutok.
Hindi naman pinaniwalaan ng korte ang alibi ng akusado bagkus ay binigyang timbang ang mga isinumiteng ebidensya na nagpapatunay na nag-amok at naghagis ng granada si Lianza. Boy Cruz
- Latest
- Trending