Mag-asawang NPA rebs tiklo

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng mag-asawang opisyal ng mga rebeldeng New People’s Army makaraang maaresto ng pulisya at militar kahapon ng umaga sa Barangay Pawala sa bayan ng Donsol, Sorsogon. Pormal na kinasuhan ang mag-asawang sina Gerry Esquivel at Maricel Basan na kapwa kumander ng Komprob Epson yunit sa Sorsogon. Ayon kay P/Senior Supt.Bert Olito­quit, ang mag-asawa na sinasabing may patong sa ulo na P.550 ay may nakabinbing warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Boanerges Candolea ng Sorsogon City Regional Trial Court Branch 53. Kasalukuyan nasa custody ng Charlie Company ng 9th Infantry Battalion ng Phil. Army ang mag-asawang NPA. Ed Casulla

Show comments