17-katao natusta sa sunog

BACOLOD CITY , Philippines   – Aabot sa 17-katao kabilang na ang walong bata ang kumpirmadong nasawi makaraang lamunin ng apoy ang 58 kabahayan sa Barangay 19, Bacolod City kamakalawa ng madaling-araw.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Celestino Guara, hepe ng pulisya sa Bacolod City, lumilitaw na may naiwang nakasinding kandilang na­tumba kung saan pinag­mulan ng apoy kaya naabo ang magkakadikit na bahay na gawa sa light materials.

Umabot sa dalawang oras bago maapula ang sunog na nagsimula ban­dang alauna ng madaling-araw kung saan nag-iwan ng 1,000 sibilyan na wa­lang tahanan.

Narekober naman sa fire scene ang mga bang­kay kung saan halos ‘di na makilala ng kanilang mga kamag-anakan.

Karamihan sa mga na­sunog na biktima ay nag­mula sa limang pamilya na-trap sa ikalawang palapag na boarding house na pag-aari ni Morita Depacaquibo kung saan sinasabing pi­nagmulan ng apoy.

Ayon kay Guara, nahira­pang maapula ang apoy ng mga fire volunteer at BFP personnel dahil sa kaki­putan ng daan papasok sa may kalahating ektaryang residential area.

Nasa mga evacuation center ang naapektuhang pamilya kung saan inasis­tihan naman ng health and social welfare development personnel ng local na pa­mahalaan ng Bacolod City, ayon kay Mayor Evelio Leonardia. Kasalukuyang inaalam ang halaga ng napinsala ng sunog.

Show comments