Kalaboso sa ama na nanggulpi

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng isang 47-anyos na ama makaraang gulpihin nito ang kanyang dalawang anak na tinedyer sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng ma­daling-araw sa Barangay Lias sa bayan ng Marilao, Bulacan.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Gamaliel San Juan matapos gulpihin ang kanyang mga anak na sina Jaenneliel San Juan, 19 at Narciso Manuel San Juan. Ayon sa police report, lumilitaw na dumating na lango sa alak ang suspek kung saan sinasabing nairita sa anak na babae na na­tutulog kung saan pinagsusuntok.

Kaagad naman namagitan ang anak na lalaki pero nakatikim din ng gulpi. Maging ang 76-anyos na lola na si Marianlina Evangelista ay pinagbantaan din kapag sumaklolo sa kanyang dalawang apo. Dito na inaresto ng mga barangay tanod ang suspek bago dinala sa himpilan ng pulisya. Boy Cruz

Show comments