Tanod tinodas sa sinehan
November 1, 2009 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines – Pinaniniwalaang personal na alitan kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 53-anyos na barangay tanod ng dalawang ‘di-pa kilalang lalaki sa naganap na karahasan sa loob ng sinehan sa Barangay Togoron sa bayan ng Monreal, Masbate kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa likurang bahagi ng katawan si Manuelito “Dondoy” Co, kung saan natiyempuhang nanonood ng sine na pag-aari ng mag-asawang Lourdes at Adolfo Rejuso. Ed Casulla
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest