1 todas sa salpukan ng tricycle at van

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang nasawi nang maipit ang kanyang ka­ta­wan sa banggaan ng isang tricycle at van sa lalawigan ng La Union kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Joel Estepa, nasa hustong gulang, na nalagutan ng hininga habang isinusugod sa Lorma Medical Center sa San Fernando City.

Naganap ang insidente habang sakay ang biktima ng traysikel (QI-1148) na minamaneho ni Reynante Huliganga, 25, at binabagtas ang kahabaan ng National highway sa Barangay Pagdaraoan sa San Fernando.

Bigla na lamang nag-overtake ang tricycle at inu­kupahan ang kabilang linya hanggang sa makasalu­bong nito ang paparating na Isuzu van (REK 957) na mina­maneho ni Judy Candelario at magsalpukan ang mga ito. (Ricky Tulipat)

Show comments