Pamilya, 3 pinasabog
KIDAPAWAN CITY , Philippines — Halos magutay ang katawan ng tatlong mag-aama makaraang pasabugin ang kanilang bahay noong Martes ng gabi sa Sitio Paguilayan, Barangay Estrella sa bayan ng President Quirino, Sultan Kudarat.
Kabilang sa mga nasawi ay sina Dayato Aleman, imam; Garcia Aleman, at si Rakman Aleman, samantalang sugatan naman sina Gariten Aleman at Morhan Aleman.
Sa ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Celestino Daniel, lumilitaw na natutulog ang mga biktima sa loob ng kanilang tahanan nang sumabog ang bomba na inihagis ng di-pa kilalang lalaki. Naniniwala ang pulisya na personal grudge ang isa sa motibo sa pagsabog. Malu Manar
- Latest
- Trending