^

Probinsiya

Mining permit sinuspindi ni Governor Ynares

-

ANTIPOLO CITY, Rizal, Philippines – Sinuspindi na ng provincial government ang lahat ng mining permit kaugnay sa napaulat na patuloy na illegal mining operation na nagdulot ng matinding pag­baha sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Rizal.

Sa ipinalabas na Executive Order, inatasan ni Rizal Gov. Jun Ynares III ang Mines and Geo-sciences Bu­reau, local na sangay ng Department of Environment and Natural Resources, Provincial Mining Regulatory Board, Mines Rehabilitation Fund Committee at ang Multi-Partite Monitoring Team na nag­sagawa ng spot survey at assessment sa mga lugar na winasak ng nagdaan bagyong Ondoy sa lahat ng mining at quarry operation sa nabanggit na lala­wigan.

“The unprecedented havoc and major devastations brought about by tropical storm Ondoy compelled me to suspend all mining operations and related activities including quarrying and blasting through explosives for mineral extraction, permitted by the provincial government,” pahayag ni Governor Ynares

Inatasan din ni Governor Ynares ang director provincial police na si P/Senior Supt. Ireneo Dordas na ma-implement ang exe­cutive order even.

Napag-alamang may mga quarry operator na sinasamantala ang pagga­mit ng permit para mag-extract ng lupa at ilang mine­ral sa nabanggit na lalawigan kung saan para lamang sa pagbabakod, drainage at development ng proyekto sa iba’t ibang barangay.

Sa naunang ulat ng Mines and Geo-science Bureau ng Department of Environment and Natural Resources, lumilitaw na karamihan sa mga quarry operation ay binigyan ng permit para sa site deve­lopment, kung san nahihi­rapan ang ahensya na masuri ang mga parame­ter ng kanilang operas­yon. 

Samantala, kinasuhan ang apat ang quarry operator na sina Julius V. Mol­des, Bhona Agoncillo, Roy Sung­cuan at si Popoy Ro­driguez makaraang maak­tuhang iligal na nag-extract mineral sa bahagi ng Ba­rangay San Jose, Montal­ban noong Ok­tubre 13, 2009.

BHONA AGONCILLO

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

EXECUTIVE ORDER

GOVERNOR YNARES

IRENEO DORDAS

JULIUS V

JUN YNARES

MINES AND GEO

MINES REHABILITATION FUND COMMITTEE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with