Kolehiyala kinatay ng adik
KIDAPAWAN CITY, Philippines — Pinaniniwalaang napagtripang pagsasaksakin hanggang sa mapatay ang isang estudyante ng mga adik sa bawal na droga bago itinapon sa plantasyong tubo sa Barangay Subin sa bayan ng President Quirino, Sultan Kudarat. Ang biktimang nagtamo ng 21-saksak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Remy Micolod ng Purok 6, Barangay Poblacion sa Tacurong City at estudyante ng St. Francis College. Ayon kay P/ Senior Insp. Celestino Daniel, hepe ng President Quirino PNP, na nakilala ang biktima sa pamamagitan ng mga identification nito, tulad na lang ng suot na blue T-shirt na may desenyo ng dragon at maong na pantalon. May suot din itong itim na gloves at yellow na wristband. Ayon sa pulisya, na ang biktima ay pinatay sa ibang lugar at itinapon lang sa tubuhan para iligaw ang mga imbestigador. Malu Manar
- Latest
- Trending