CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Humabol pa sa Undas ang manager ng mall makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen kahapon ng umaga sa Barangay Molino 3 sa bayan ng Bacoor, Cavite. Limang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Glenn Clemente, 50, ng Block 3, Lot 18, Phase 6, Kudarat Street, Bahayang Pag-Asa, sa nabanggit na barangay at operations manager ng ShoeMart-Bacoor. Napag-alamang papasok na sa trabaho si Clemente at nag-aantay ng masasakyan sa harap ng ML Bldg. sa Molino Road nang lapitan at ratratin ng dalawang ‘di-pa kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo Sa inisyal na imbestigasyon, na posible may kaugnayan sa pulitika ang pagkakapatay sa biktima dahil lumalabas na financer ito ng kanyang kapatid na nagbabalak tumakbong muli bilang vice mayor sa bayan sa Bicol. Arnell Ozaeta at Cristina Timbang