Aksidenteng nabaril sa mukha... bata dedo sa 10-anyos utol

ILOILO CITY, Philippines — Napa­aga ang salubong ni ka­matayan sa isang 4-anyos na batang babae maka­raang aksidenteng mabaril sa mukha ng kanyang utol na lalaki sa Barangay Anuang sa bayan ng Ca­batuan, Iloilo kamaka­lawa ng umaga.

Kasalukuyang nasa custody ng local social welfare office ang 10-anyos na suspek na itinago sa pa­ngalang Intoy kung saan su­masailalim sa psychological debriefing.

Base sa ulat ni PO3 Lope Ricaforte, lumilitaw na nag­hahanap ng ballpen ang 10-anyos na suspek nang ma­ispatan niya ang bag na nakasabit sa ding­ding ng kanilang tahanan.

Inilapag ng suspek ang bag para maghanap ng ballpen subalit nakita nito ang homemade firearm na inakalang laruan.

Gayon pa man, dahil sa pag-uusisa sa hawak na baril ay tinawag nito ang kanyang utol na babae saka itinutok sa mukha su­balit sa pag-aakalang la­ruan ay biglang pumutok at duguang bumulagta ang biktima.

Naisugod pa sa Ramon Tabiana Memorial Hospital ang biktima subalit idi­nek­larang patay ng mga doktor.

Kasalukuyang wala na­man ang mga magulang ng mag-utol at nasa tra­baho

Walang naman impor­masyon ang pulisya kung kanino ang baril subalit may teorya na ang pag-aari ng ama ng biktima.

Hindi naman malinaw sa ulat kung kakasuhan ang may-ari ng baril na wa­lang kaukulang papeles.

Show comments