^

Probinsiya

Sundalong pumatay sa anak ng NPA inutas

-

MANILA, Philippines - Isang Army corporal na sinasabing isa sa mga isinasangkot sa pagdukot at pamamaslang sa anak ng kumander ng mga re­bel­­deng New People’s Army ang pinagbabaril hanggang sa mapatay sa bisinidad ng Malabog Pa­quibato, Da­vao, kamakalawa.

Sa police report na na­ka­rating sa Camp Crame, kini­lala ang nasawi na si Cpl. Orly Pedregosa ng 10th Infantry Division ng Philippine Army sa Malabog Paqui­bato.

Samantala, sugatan na­man ang dalawang sibil­yang kasama ni Pedregosa na sina Jeffrey Labite at Joe­lito Atig.

Naganap ang pana­nam­bang habang ang mga biktima ay nasa harap ng kapilya ng Philippine Independent Church kung saan papasok na sa simbahan.

Gayon pa man, inako ng grupo ng Pulang Bagani ng New People’s Army na pinangunahan nina Jun “Bungot” Bustamante at Bryan “Ryan” Pitao na sila ang nasa likod ng pama­maslang para ipaghiganti ang napaslang na anak ng kanilang kumander. Ricky Tulipat

vuukle comment

CAMP CRAME

INFANTRY DIVISION

ISANG ARMY

JEFFREY LABITE

MALABOG PA

MALABOG PAQUI

NEW PEOPLE

ORLY PEDREGOSA

PHILIPPINE ARMY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with