Pari grabe sa ambus

MANILA, Philippines - Patuloy na nakikipag­laban kay kamatayan ang isang pari ng Simbahang Ka­ tolika makaraang tam­bangan ng mga ‘di-pa ki­la­lang kalala­kihan sa ka­ha­baan ng highway ng Ba­rangay Balaring sa ba­yan ng Boac, Marin­du­que noong Biyernes ng tang­­hali.

Si Fr. Sherwin Apostol, 32, ng Parish Priest ng Our Lady of Peace and Good Voyage Church sa Balana­can, sa bayan ng Mogpog, Marin­duque at sinasabing unang isinugod sa Ma­rinduque Provincial Hospital kung saan inilipat sa Quezon Memorial Hospital sa Lucena City dahil sa ma­selang kalagayan.

Sa police report na na­ka­rating sa Camp Crame, lu­ militaw na lulan ng ow­ner-type jeep (DN 691) na mina­maneho ni Anthony Pergis, ang biktima kasa­ma si Fr. Isagani Milambing ng St. Labrador nang ma­ganap ang pa­nanambang.

Gayon pa man, hima­lang nakaligtas sa tama ng mga bala ng baril sina Per­gis at Fr. Milambing subalit nadale si Fr. Apostol na ngayon ay nakikipaglaban kay kama­tayan. Joy Cantos

Show comments