Principal, 1 pa, todas sa road accident

MANILA, Philippines - Dalawa kataong kina­bibilangan ng isang school principal ang nasawi ha­bang tatlo pa ang malub­hang na­ sugatan maka­raang ma­bangga ng isang humaha­gibis na trailer truck ang si­nasakyan nilang tricycle sa kahabaan ng highway ng Binalonan, Pangasinan ka­makalawa ng hapon.

Kinilala ang isa sa na­sawing biktima na si Jose­phine Olias, punong guro sa San Pablo Elementary School habang inaalam ang pangalan ng isa pa.

Isinugod naman sa Sacred Heart Hospital sa Ur­daneta City, Pangasinan ang mga sugatang biktima na sina Manolo Estrada, 62 anyos, District Supervisor ng DepEd sa bayan ng Sta. Maria, Pangasinan; Lina Ma­capulay, 63, principal ng Poblacion East Elementary School sa Asingan, Pan­gasinan at Eden Evange­lista, 44, isa ring guro at pawang taga-San Alejandro, Sta. Maria, Pangasinan.

Sa ulat ng Police Regional Office 1, naganap ang insidente sa kahabaan ng provincial road sa Sitio Ba­lisa, Barangay San Fe­lipe, Binalonan.

Bumabagtas sa lugar ang nasabing tricycle nang sal­pukin ito ng kasalubong na Isuzu trailer truck na may plakangXCH-772 at mina­maneho ni Rogelio Garcia.

Tinangka namang tu­makas ng driver ng truck pero nasakote ito ng tumu­gis na mga nagrespondeng ele­mento ng mobile patrol team ng Binalonan Police Station sa bayan ng Sta. Maria ng lalawigan. (Joy Cantos)

Show comments