^

Probinsiya

Habambuhay sa shabu pusher

-

ILOILO CITY , Philippines —Habam­buhay na pagkabilanggo ang inihatol ng mababang korte laban sa isang babae na sinasabing nagbenta ng kakarampot na shabu kung saan naaresto ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency noong Pebrero 2008 sa Barangay Zamora sa Iloilo City.

Sa ilang pahinang de­sisyon ni Judge Evelyn Salao ng Iloilo City Regional Trial Court Branch 25, bukod sa hatol na life ay pinagbabayad ng P.5 milyon ang akusadong si Ma. Victoria Lopez-Arroyo sa paglabag sa anti-illegal drugs law.

Base sa rekord, si Arroyo ay dinakma ng pinag­sanib na puwersa ng pu­lisya at anti-narcotics agents sa isingawang buy-bust operation noong February 15 sa bilyaran na malapit sa kanyang taha­nan sa nabanggit na ba­rangay.

Bukod sa mark money na nasamsam kay Arroyo, narekober din ang dala­wang plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 0.09 gramo kada isang sachet na nag­kakahalaga ng P500.

Binalewala naman ng korte ang alibi ng akusado bagkus binigyang timbang ang mga ebidensya na isi­numite ng PNP at PDEA.

 “Indeed justice is really working the way it should be,” pahayag ni Paul Le­desma, regional director ng PDEA

Gayon pa man, iaapela ng abogado ni Arroyo na si Atty. Jun Eric Cabardo, ang desisyon ng mababang korte. Ronilo Ladrido Pamonag

BARANGAY ZAMORA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ILOILO CITY

ILOILO CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

JUDGE EVELYN SALAO

JUN ERIC CABARDO

PAUL LE

RONILO LADRIDO PAMONAG

SHY

VICTORIA LOPEZ-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with