^

Probinsiya

11 kapitbahay nalason, mister todas sa regalong butete

-

MANILA, Philippines - Isang mister ang nasawi habang 11 miyembro ng 11 pa­milya sa Barangay Mipu­tak, Dipolog City ang nalason at naospital makaraang ma­kakain ng butete kamaka­lawa ng gabi.

Sinabi ni Flora Escabas sa isang panayam ng ABS-CBN na namatay ang asawa niyang si Amado isang oras makaraang maghapunan ito ng sinabawang butete.

Sinabi pa ni Escabas na ito ang pangalawang pag­kakataong nawalan siya ng isang asawa dahil sa naka­kalasong isda.

Ayon kay Joseph Florig, hepe ng panlalawigang tang­gapan ng Bureau of Fisheries and Acquatic Resources, lubhang nakakalason ang butete at isang delikadong proseso ang kinakailangan sa paghahanda nito bago kainin.

Sinabi ni Escabas na ang butete ay iniregalo sa kan­yang asawa.

Paborito anya ng kan­yang mister ang butete at isa siya sa iilang residente sa kanilang barangay na naka­kaalam kung paano ito ni­luluto.     

Pero binanggit niya na la­sing ang kanyang asawa nang linisin at lutuin nito ang isda.

Bukod dito, namigay din ng butete sa kanilang mga ka­pit­­bahay o anim pang pamilya ang biktima bago naga­nap ang insidente.

Makaraang ulamin sa hapunan ang butete, nang­hina ang mga biktima at na­manhid ang kanilang mga labi. Na­ma­tay ang asawa ni Escabas bago pa man na­ipasok sa ospital.

vuukle comment

AMADO

BARANGAY MIPU

BUREAU OF FISHERIES AND ACQUATIC RESOURCES

BUTETE

DIPOLOG CITY

ESCABAS

FLORA ESCABAS

JOSEPH FLORIG

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with