^

Probinsiya

Shabu tiangge ni-raid: 47 arestado

-

CAMP VICENTE LIM, La­guna, Philippines – Aabot sa 47-katao na pinaniniwalaang tulak at adik ang dinakma makaraang salakayin ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Cavite police ang ilang kabahayan na ginawang shabu tiangge sa bayan ng Imus, Cavite ka­hapon ng umaga.

Ayon kay P/Chief Inspector Chris Abrajano ng Region 4-A PDEA, kabilang sa mga suspek na naaresto ay sina Janice Lugao, Ro­chelle Santander, Ogie Al­ca­paraz, Dante Del Ro­sario at Jose Panis sa bisa na rin ng search warrant na ipinalabas ni Judge Cesar Mangrobang ng Imus Regional Trial Court.

Samantala, naaresto rin habang nagpa-pot session sina  Arthur Pascasio, Da­nilo de Guzman, Arthur Ma­niego, Richard Medina, Rodrigo Santos at Anthony Rojo.

Inimbitahan naman ang ilang sibilyan sa himpilan ng pulisya upang magpali­wa­ nag kung bakit sila nasa lugar na ’yon kahit hindi naman sila residente at sa­sailalim din sila sa drug test.

Batay sa mga reklamo ng mga residente, sinala­kay ng mga awtoridad ang ilang kabahayan sa Ba­rangay Halang sa bisa ng search warrant laban sa mga kalalakihan na sina­sabing nagtutulak ng bawal na droga bandang alas-5:30 ng umaga.

Narekober ang 5 gramo ng shabu na pawang naka­lagay sa mga plastic sachets kabilang na rin ang mga drug paraphernalia.

Nakatakdang sampa­han ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. Arnell Ozae­ta at Cristina Timbang

vuukle comment

ANTHONY ROJO

ARNELL OZAE

ARTHUR MA

ARTHUR PASCASIO

CAVITE

CHIEF INSPECTOR CHRIS ABRAJANO

CRISTINA TIMBANG

DANTE DEL RO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with