2 sekyu itinumba

NUEVA ECIJA, Philippines – Dalawang security guard ng National Irrigation Administration ang iniulat na napaslang makaraang pagbabarilin ng mga maskaradong kala­lakihan sa loob ng compound ng NIA sa Muñoz City, Nueva Ecija. Kapwa sapol sa ulo sina Raul Villareal ng Barangay Poblacion East; at Ismael Macasling Jr. ng Villa Isidra, Barangay Bantug. Patuloy naman ang imbes­tigasyon. Christian Ryan Sta. Ana

Show comments