^

Probinsiya

3 kampo ng NPA rebs nakubkob

-

ABRA, Philippines – Tatlong malala­king kampo ng mga rebel­deng New People’s Army ang nakubkob ng tropa ng militar sa liblib na kagu­batang sakop ng bayan ng Lacub, Abra. 

Kahit masama ang pa­nahon na dulot ng bagyong Pepeng ay sinuyod ng tropa ng 41st Infantry Battalion ang mapunong gubat ng Mt. Bumalayak sa Ba­rangay Buneg kung saan napaulat na nagsisilikas na ang mga rebelde mula sa pinagkukutaang kampo.

Apat na araw na lak­bayin bago nadiskubre ang isa sa pinakamalaking kam­po ng mga rebelde na inabandona kung saan natagpuan ang ilang ka­gamitan, generator, 2 sako ng personal belonging tulad ng damit at footwear, mga celpone, electrical equipments, DVD discs, medical at dental equipments, kitchen utensils, communist flags, propaganda materials at mga do­kumento, ayon kay Lt. Edward Sia-ed

Nakubkob din ang dala­wang abandonadong kam­po ng NPA sa bisinidad ng Mt. Tumalpoc sa Barangay Talampac kung saan na­tag­puan ang dalawang malalakas na kalibre ng baril, iba’t ibang uri ng mga parte ng baril, generators, mga propaganda, DVDs reading materials, radio- te­lephone devices, computers, printers at mga libro.

Nakapaloob din sa kampo ang 24 na kubo na sinasabing training site kung saan ginagawa ring meeting place ng ilang left-leaning sectoral leader. Artemio Dumlao

ABRA

ARTEMIO DUMLAO

BARANGAY TALAMPAC

EDWARD SIA

INFANTRY BATTALION

MT. BUMALAYAK

MT. TUMALPOC

NEW PEOPLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with