^

Probinsiya

20 barangay sa Bulacan lubog

-

BULACAN , Philippines  — Halos na­hiwalay sa lalawigan ng Bulacan ang coastal town ng Hagonoy dahil sa hindi na makapasok ang mga light vehicle sanhi ng back­flood mula sa Panta­bangan Dam sa Nueva Ecija.

Ayon kay Vice Mayor El­mer Santos, hindi maka­daan ang mga kotse, van at traysikel sa Hagonoy-Ca­lumpit Road at Hago­noy-Ma­lolos Road mula pa noong Linggo ng gabi dahil sa nanatiling lubog sa tubig-baha.

 “Mga trucks lang ang puwedeng dumaan dahil sa may mga bahagi na more than five feet ang lalim ng tubig,” paliwanag ni Santos.

Dahil sa pagdating ng backflood, lumubog ang 20 barangay kahapon kumpara sa walong barangay na lumubog noong Biyernes.

“Kakaiba ang bahang ito, hindi sa ilog dumaan ang tubig, sa halip ay sa mga bukid at mga bakuran, kaya pinaalalahanan na­min ang mga barangay officials not only to monitor water level on rivers but on ricelands and fishponds as well,” dagdag pa ni San­tos. Dino Balabo

AYON

BIYERNES

BULACAN

DAHIL

DINO BALABO

HAGO

NUEVA ECIJA

SHY

VICE MAYOR EL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with