^

Probinsiya

7 katao natusta

-

Camp Vicente Lim, Laguna, Philippines – Natusta ang pitong-katao, kabilang ang dala­wang paslit nang masunog ang ka­nilang bahay sa Dasmariñas, Cavite Biyernes ng umaga.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Vilma Contreras 38, at mga anak na sina Venice, 2 Genevieve, 5 at ang mga katulong na sina Corazon Gonzales, 21, Christine Gonzales, 2, Jeneth Mitra at Reynetteann Pastelero, pawang mga residente ng Block 19, Lot 1 Phase 2 Mabuhay 2000, Barangay Paliparan 2, Dasmariñas, Cavite.

Ang insidente ay naganap dakong alas-4:20 ng umaga sa ikalawang palapag ng bahay ng mga biktima dahil sa umano’y electrical faulty wiring at tumagal ang sunog hanggang alas-6:05 ng umaga.

Narekober naman ang bangkay ng tatlong biktima sa loob ng kwarto habang ang apat ay nakahandusay sa CR. Masuwerte naman nakaligtas ang anim na anak ni Vilma na sina Roger, 23; Nevelyn, 14; Nicole Dian, 13; Patrick at Gretchen Camigue matapos na gumamit ang mga ito ng pinagdugtung-dugtong na kumot at ginawang tali para makababa mula sa nasusunog na bahay.

Wala namang nadamay na ibang bahay o istraktura sa naganap na sunog. (Arnell Ozaeta/Tina Timbang)

ARNELL OZAETA

BARANGAY PALIPARAN

CAMP VICENTE LIM

CAVITE BIYERNES

CHRISTINE GONZALES

CORAZON GONZALES

DASMARI

GRETCHEN CAMIGUE

JENETH MITRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with