Holdap: P.350-M payroll nilimas

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Aabot sa P.350 milyong payroll ng mga kawani ng munisipyo ng San Fernando, Masbate ang iniulat na natangay makaraang holdapin ang municipal treasurer ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan karagatan ng Barangay Ibingay sa nabanggit na bayan. Sa police report, lu­mi­litaw na lulan ng bangkang M/V Dream Boat si Norma Ruiz na sinasabing nag-withdraw ng payroll mula sa isang bangko sa Masbate City nang lapitan ng isa ring bangkang may lulang mga ‘di-kilalang kalalakihan. Napag-alamang ‘di-nakapalag si Ruiz at maging ang ilang kasaman matapos na tutukan ng baril. Walang nagawa ang ingat-yaman kundi ibigay ang bag na naglalaman ng malaking halaga at 20 litro ng krudo na ginagamit ng pahinante sa bangka. Ed Casulla

Show comments